Sinipat kita ng ilang ulit tuwing dumadaan sa harap ko,
Ordinaryong nilalang lamang ako ngunit malabong mapansin mo.
Sinubukang magpadalubhasa sa bawat aralin sa kolehiyo,
Ngunit walang kapararakan ang lahat ng ito kung hindi ako ang pansin mo.
Tinuturok ng punyal ang puso ko tuwing iba iba'ng pagkaganda-gandang mga babae ang iyong kaakbay,
Umaasa na lamang na sana ako iyon sa pamamagitan ng paglakad na makialinsabay.
Hindi ba kahangalan na ang tawag sa malalim na pagtatangi kong ito?
Hindi gayon kundi umaasa pa ring marahil sa hinaharap ay mapasaakin ang pagtingin mo.